PARAAN NA PAGGAMIT NG BANGIS ENDGAME COMBO CONDITIONING PILLS

Ang isang Set ng ENDGAME Combo Conditioning Pills na para sa isang panlaban ay naglalaman 25 kapsula ng mga sumusunod:

7 capsules PRECON ACE – Preconditioning pill

15 capsules BANGIS PILL – Conditioning Pill

3 capsules GoldPoint – Pointing Pill

PARA SA MGA TANDANG NA NORMAL OR TAMA NA ANG BIGAT

May dalawa po kaming conditioning pills combo – itong ENDGAME Combo at RUTHLESS Combo.  Ang paggamit po nito ay naayon sa hipo at bigat ng katawan ng manok nyo.  Kung happy na kayo sa bigat at hipo ng manok nyo ibig sabihin ay nasa fighting weight na sya bago nyo bigyan ng Bangis Pills, ENDGAME Combo po ang gamitin nyo. Ito po yun.  Kung mabigat naman ang manok nyo at sobra sa gusto nyong fighting weight, yun pong RUTHLESS Combo po gamitin nyo.  Click here para sa paraan ng paggamit ng RUTHLESS Combo.

CONDITIONING PERIOD

Ang haba po ng pagkukundisyon na rekomendado namin ay 21 days. Pwede nyo rin gawin na 14 days lang pero nasa inyo na po yun upang inyong subukan lalo kung naka precon naman manok nyo.

PREPARATION

Bago magbigay ng pill, siguraduhin walang iniindang sakit ang manok mo. IMPORTANTE PO ITO. Dapat ay makatawan dahil ang gamot na ito ay nakapag papayat o nakapagpapagaan ng manok. Kung may sakit, gamutin muna at hayaan makarecover ang katawan.  Kapag nakitaan nyo naman ng paglungkot ang manok matapos ibigay dito ang pills, itigil ang pagsusubo at ireport sa akin agad. Kagaya ng nakasanayan bago ihanda ang manok, maari po sana ay paliguan at purgahin ang manok sa Day 1 ng conditioning period.  

Isang sikreto namin sa pagpapakain na hindi alam ng marami ay hinahaluan namin ng itlog ang patuka ng mga naka precon hanggang conditioning stage. Pero normal maintenance feeds lang ang gamit namin kagaya ng Gallimax 2+ or Gallimax 3. Pwede nyo rin gamitin maintenance feed nyo ngayon lagyan lang ng itlog.  Wag na po kayong magpalit ng patuka kung ano pakain nyo ngayon, yun na gamitin nyo. Magbabate kayo ng isang sariwang itlog ng itik para sa pagkain ng anim (6) panabong. Kung sariwang itlog ng manok gamit nyo, pwede na yan sa apat (4) na tandang. Umaga hapon po yan.

Hindi nyo na rin po kailangan magbigay ng iba pang gamot or vitamina or supplemento habang naka Bangis Conditioning Pills po kayo.  Nandyan na po sa mga pills namin ang kailangan nilang sangkap para makundisyon at gumanda ang galaw nila sa laban.

PARAAN NG PAGBIBIGAY NG PILLS

Malakas po ang gamot na ito kaya isang capsula lang isang araw. Ang recommended na pagbigay ay between 4-5pm ng hapon o sa umaga 6-7am basta 1 hr bago ang oras ng pakain nyo. Bumilang ng 21 days pabalik bago ang takdang laban at doon magsimulang magbigay ng capsula. Halimbawa ay sa 25 ang laban ng manok mo, ang umpisa mo ay June 4.  25-21=4. Dapat ay walang mintis araw araw ang pagsubo mo ng pills.

DAY 1 to DAY 7 – Bigyan ng Precon Ace (Green and White Capsules) 1 hour before magpakain sa hapon. Itong pills na ito ang maghahanda sa katawan ng manok para sa conditioning effect ng Bangis Pill.  May sangkap itong nagtatangal ng mga harmful chemicals sa katawan (detox) at mga vitamins at minerals na pampalakas ng katawan. Mayron din itong taglay na antibiotics at anti-inflamatory properties para magamot ang mga minor na problema sa katawan ng manok nyo.  Ginagamit po namin ang Precon Ace na panggamot sa mga sakit sa farm tulad ng panghihina, pangangayayat, pagsisipon at halak pati na rin pagkabulag or paglabo ng mata.

DAY 8 to FIGHT DAY – Bigyan ng Bangis Pill (Yellow and Red Capsules) 1 hour before magpakain sa hapon.  Itong pills na to ang nagpapakondisyon sa katawan ng manok. Mga sensyales ng epekto nito (depende sa manok) ay ang pagkagana kumain, gumagaan ang timbang na hindi pumapayat ang hipo, masigla sa talian galaw ng galaw, alerto sa kapaligiran, at mainit ang katawan (either naliligo sa lupa or gustong kumasta ng inahin). Makikita rin ang kakaibang sigla at sipag nila sa bitaw.

Sa araw mismo ng laban bago umalis ng farm, subuan mo ng isa pang Bangis Pill bago pakainin sa umaga ang inyong panlaban.

LAST 3 DAYS BEFORE THE FIGHT – Bigyan ng GoldPoint (gold capsules).  Ang pagsubo po naman nito ay sa gabi ng huling 3 araw bago and takdang laban between 7-8pm. Ang pointing pill ay nakapagpapadagdag ng enerhiya at nakakapagipon ng lakas sa manok habang papalapit ang laban.  Bukod sa pagiging masigla at alerto, pinapataas ng GoldPoint ang antas ng kagustuhang pumatay ng manok sa oras ng laban.

PAALALA – Inuulit ko po na wala ng ibang gamot pa kayong isusubo or ituturok sa manok nyo sa buong conditioning period.  Ang lahat ng vitamina, mineral, supplemento, pampalakas, pampatalas ng isip, pampagana kumain, pampapayat ng katawan, pampatalino at pampatapang ng manok nyo sa araw ng laban ay nandyan na po lahat sa 25 capsules na set na nakuha nyo sa amin.  Yan lang din po ang binibigay namin sa lahat ng panlaban namin kaya malaking katipiran po talaga ang paggamit nito.

Ang importante lang ay nasa oras at araw araw kayong magbigay ng pills sa mga manok nyong panlaban at sundin ang iba pa naming payo.

IMPORTANTENG PAKAININ SILA SA ARAW NG LABAN

Hayaan sila kumain at uminom ng normal hanggang sa araw ng laban. Salungat po ito sa mga nakagawian at tinuro sa tin pero ito po ay subok na namin. IMPORTANTE PO ITO.  Kung matagal ang laban, hindi sila pwedeng magutom base sa aming experience. Magbigay ng pagkain para hindi sila gutom sa oras ng laban.

Yung 2 natalo namin na last 2 fights sa testing phase ay gutom na gutom na kasi 8:30 at 9pm na nalaban sila kaya ang hina na ng katawan. Siyempre ang paniwala natin sa mga dati pang payo ng mga magmamanaok ay dapat saktong gutom ang manok bago ilaban. Hindi po pwede ito sa mga naka Bangis Pill.  Dahil nakakapagpataas ng metabolismo ang gamot na ito, madali silang magugutom at manghihina kung di papakainin at papainumin sa araw ng laban.

Gaano karami ang pakain at painom?

Dapat ay yung tamang di sila gutom at hindi sila busog na busog pag nasa laban na. Kayo po makakaalam nyan sa manok nyo. Normally sa amin dapat may laman pa ng konti ang butse bago ilaban yung may masasalat ka pa pagkain para sure na may pagkain pa sila. Sa painom naman, painumin ng 3 hanggang 5 sipsip ang manok depende sa panahon.  

WARNING: Bahala kayo kung hindi nyo ito susundin.

IBA PANG PAALALA

Dahil mataas ang metabolismo nila sa pills, lalakas sila kumain. Dapat ay nasa oras sila araw araw pakainin wag nyo palipasan ng gutom mga alaga natin. Kung 7am and 6pm pakain nyo, stick po kayo doon. Make sure din na sa tanghali, nabibigyan sila ng fresh drinking water lalo na kapag mainit.

Mainit po mga katawan nila sa gamot na yan kaya kailangan na:

  1. Preskong talian sila nakatali hindi tutok sa araw
  2. Paliguan ng 2x sa loob ng 21 days conditioning period at yung isa ay 4 days before the fight
  3. Pakastahin sa inahin ng isang beses 1 week before the fight otherwise magiging sobrang agresibo nila manunuka ng tao o sugod sa laban. Makikita nyo po yan sa pag spar nyo

Normally hindi na sila kailangan i-train like pakaskas, flypen, running pen etc. Wala na po yan sa routine namin. Ang ehersisyo po nila sa farm ay actual na bitaw sa iba ibang manok at ito ay kailangan gawin for a short period lang na 3 buckles awat na. Pero 3x a week po ang kailangan bitaw sa ibat ibang kulay na kalaban.  

Ang last bitaw nila bago ilaban ay at least 4 days before. Sa mismong araw na yun (4 days before) dapat paliguan at umpisa na ng pahinga sa talian at kulungan. Dun na din sa araw na yun kayo mag dedecide kung gusto nyo ba sila ilaban (selection) o hindi depende sa pinakitang galaw sa laban (rejection).

Kung magkasakit during conditioning ang manok mo, bigyan mo lang ng antibiotic like amoxicillin or ciprofloxacin na mabibili sa generics drug store. Mas mura doon kaysa mga nasa poultry supply. 250 mg lang palagi ang isusubo na antibiotic pantao sa manok. Kung wala, hatiin ang 500 mg. IMPORTANTE PO ITO.  Hanggang 7 days lang itong antibiotic tuloy tuloy ibibigay walang baktaw kapag nabigyan mo na.

Sana po makatulong ito sa inyo. Ito po ay copyrighted by Bangis Game Farm at Bangis Conditioning Pill. Wag po ipamahagi sa iba ang sekretong ito ng wala pong pahintulot sa akin.

Salamat po sa inyong pagtitiwala sa amin.

Bangis Magtanngol

Owner/Breeder/Pill Maker

Bangis Game Farm Labs